Tuesday, June 26, 2007

HOW FAST THE TIME IS..TIME HAS PAST..PAST TIME

How fast the time is. …Time has past….. ….past time

HOW FAST THE TIME IS… yan ang pumasok sa aking isipan ng makita ko ang aking mga dating barkada sa harap ng isang opisina,nagkakatuwaan at nagbibiruan nag iiskedyul pala sila ng lakad ng grupo natuwa naman ako dahil para akong nasa time machine ganito kami noon na kapag nagkitakita lakad ang pinaguusapan, walang problemang iniisip dahil bata pa cguro kami noon ngayon ilang dekada na rin ang nakalipas pero eto masasaya pa rin ang grupo sa isang iglap ay nagkasama sama kami.

talagang umaatikabong katuwaan nagpuntahan sa isang lugar na nakagawian at doon masarap na nagkainan , kwentuhan at inuman ang nangyari nakakamis ang mga bagay na ito….na kung pagmamasdan mo ay iba iba na ang itsura may nagsitaba , may nagsipayat , may nabawasan narin ng mga buhok at higit sa lahat may mga pamilya na at ung iba may apo na rin .

TIME HAS PAST…ang mga sumunod na pangyayari ay maihahambing mo na rin sa tiktak ng orasan napakabilis lumipas na ang mga oras makikita mo na natahimik na ang iba na kanina ay puno ng sigla, may mga naghihikab na at parang mga inaantok at ang iba namn ay walang tigil sa katitingin sa kanilang orasan na para bang mga inip a inip na ay talagang masasabi mo na nalipasan na ng panahon at isa pa malalim na rin ang gabi at kailangan ng maghiwahiwalay kaya kami ay nagpaalamanan na walang tigil na “ingat pare” , “kay mo bang mag drive pare “ he he he he ang kukulit na ang sarap din palang magpalipas ng oras “PAST TIME”

simula at wakas

hindi ko alam kung paano ko sisimulan at wawakasan ang artikulong ito pero pumukaw sa aking isipan ang salitang ito simula at wakas.... ang alam ko lahat ng bagay dito sa mundo ay may simula at wakas ano ba ang ibig kong sabihin dito .. tulad ng alpabeto na nagsisimula sa letrang A at natatapos sa letra Z.. pwede rin ikumpara sa mga kwento na nagsisimula sa once upon a time at natatapos sa they lived happily ever after...pwede rin sa isang karera na nagsimula sa starting line at natapos sa finish line....

pero higit sa lahat pwede natin ikumpara ang salitang ito sa ating BUHAY at saan naman natin pwedeng ihalintulad ang BUHAY, sa aking pananaw ang BUHAY ay parang isang maghapon na nagsimula ng sumilay ang araw ito ay nang isilang ka sa mundo at umabot sa ating kamusmusan o kabataan na punong pag-asa, kawalan malay sa takbo ng kamunduhan, walang mabigat na problema o pagsubok, puno ng kasiglahaan ang katawan at kalakasan ng pag iisip.

hanggang sa lumipas ang ilang mga sandali sumapit ang katanghalian ng ating buhay na ito ang panahon ng ating pag bibinata o pagiging dalaga na unti unting humaharap na sa takbo ng buhay, sumusuong sa pakikipaglaban o pagtutungali sa mga problema at ilang saglit na lang ay katanghaliang tapat ng ating buhay ito naman ang panahon na mayroon na tayong mga pamilya o kaya tinatawag na payback na kung saan nagbabayad ka na sa iyong magulang dahil ang mga ginawa nila sa iyo ay ginagawa mo na rin hanggang sa sumapit tayo sa takip silim ng ating buhay medyo marami na tayong narating ng panahon na iyan, marami na rin g pagsubok ang dinaanan at higit sa lahat mapapansin na rin natin ang ilang pagbabago sa ating pangangatawan kumukulubot na ang balat, tatlo na ang kulay ng buhok natin at nararamdaman na rin natin ang panghihina at handa na tayong mamahinga...

hanggang sumapit na ang hating gabi ng ating buhay sana bago sumapit ang panahon na ito ay napasalamatan mo na ang dapat pasalamatan, napatawad mo na rin ang dapat patawarin, at wala ka bang inagrabyado o inapi sa sandaling panahon ng iyong buhay......talagang napaka ikli ng buhay ng tao...

iwanan ko kayo ng tanong.

naging masaya ka ba sa iyong maghapon?